Isang Awit

Posted on October 20, 2010 by johnoy

Habang ako’y nagsusulat ng isang theme song para sa isang pelikula kamakailan, bigla akong napatigil para magpasalamat sa Kanya. Salamat sa pagkakataong umibig, umawit at mag-sulat. Ang sarap ng pakiramdam na maipahiwatig ang mga saloobin. Kaya hayaan niyo po akong ibahagi sa inyo ang letra ng theme song ng Layang Bilanggo ni Michael Angelo Dagñalan, isa sa mga finalist ng Cinema One Originals 2010.

Abangan niyo po!

Layang Bilanggo
Johnoy Danao

Ano ba ang aking kasalanan?
Ba’t ako nandito’t ika’y nariyan?
Hinahanap hanap ko
Ang kislap ng yong mata
Ang mga yakap mong nagsasabing
“Wag kang mag-alala”

Ano ba ang kailangan kong gawin?
Ako’y nagkulang aking tatanggapin
Ang lagi kong dalangin
may araw ding darating
Ika’y makapiling
Kahit na sandali

Palayain ang sarili
sa gapos ng ‘yong pangamba
sa huli ang pagsisisi
paliparin ang iyong nadarama
Humakbang ka sa liwanag
Mula sa dilim ng ‘yong mga lihim
Ikaw ba’y isang malayang bilanggo?

Pano maipapaliwanag
Ang pagliban sa mga taong nagdaan
Sana’y maunawaan mo
ang tunay na dahilan
Patawarin mo kaya ako?

Palayain ang sarili
sa gapos ng ‘yong pangamba
sa huli ang pagsisisi
paliparin ang iyong nadarama
Humakbang ka sa liwanag
Mula sa dilim ng ‘yong mga lihim
Ikaw ba’y isang malayang bilanggo?

Palayain ang sarili
sa posas ng pag-iisa
Hindi ka magsisisi
Imulat ang pinid mong mga mata
Ang mukha ng katotohanan
Harap-harapan mong harapin
Ikaw ba’y isang malayang bilanggo?

This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

2 Responses to Isang Awit

  1. Luis Liwanag says:

    astig ka johnoy…

  2. Like! Ayus ang mga musics u bro. i like the song titled ikaw at ako.

    God blessed you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

TWITTER

folow @johnoydanao on twitter
Copyright © 2010-2012 Johnoy Danao
Photos by: Carmz Lopez & Mike Campillanes
Site by: @joelsantiago